Loading...

Elysium

Do we live in a world created for us or do we create the kind of world we want?.

POV ng NBSB

Hindi naman big deal sa akin kung 19 years old na ako at single pa rin. Hindi naman issue sa akin kung sa loob ng labingsyam na taon na pananatili ko dito sa mundong ibabaw ay hindi ko pa nararanasang magmahal at mahalin pabalik. Wala namang kaso sakin lahat ng yun. Afterall, sanay na naman akong mag-isa at walang kasama. Masaya naman ako kahit solo ko lang ginagawa ang mga bagay na gusto ko. Nakakahanap pa rin naman ako ng dahilan para maging masaya sa kabila ng aking pag-iisa. Sa loob ng labingsyam na taon, nakuntento na ako sa pagmamahal na ibinibigay sa akin ng mga magulang at kaibigan ko. Pero minsan, minsan lang naman, naiisip ko, ano kaya ang pakiramdam na may iba pang tao na nagpapasaya sayo bukod sa pamilya at mga kaibigan mo? Minsan, kapag mag-isa akong ginagawa ang mga bagay na gusto ko, naiisip ko, ano kaya ang pakiramdam kung may kasama ako? Masarap kaya sa pakiramdam na may kasama kang kumain, manood ng sine, mamasyal at mag-simba? Minsan, sumasagi sa isip ko, ano kaya yung feeling na may nag-aalala sayo kapag late ka ng umuuwi ng gabi, yung tatawagan ka at itetext ng ilang beses just to assure na safe kang nakauwi. O di kaya, sya mismo ang susundo sayo at ihahatid ka sa bahay mo para 100% sure na ligtas ka talaga. Minsan, iniisip ko, ano kaya yung pakiramdam na may nagseselos kapag nakikipag-usap at nakikipagtawanan ka sa ibang lalaki. Maiinis ka kaya o mapapangiti ka dahil ramdam mong natatakot sya  na mawala ka sa kanya. Ano kayang feeling ng sinusurprise? Ano kayang pakiramdam na nagcecelebrate ka ng Valentine’s Day with your someone special? Ng nagse-celebrate ng monthsary at anniversary? Nakakaexcite ba o nakakakilig magplano ng future ninyong dalawa? Anong feeling na kasama ka sa future plans ng isang tao? Gaano kaya kalawak ang ngiti mo kapag alam mong may isang tao na ipinagmamalaki ka as girlfriend nya, sa pamilya nya, sa mga kaibigan nya, at sa iba pang taong kakilala nya? Ano kayang pakiramdam kapag alam mong may isang taong handang gawin ang mga bagay bagay para sayo? Na may isang taong gustong nakikita ka na nakangiti at masaya? Ano kayang pakiramdam na may isang taong pinapahalagahan ka? Na iniingatan ka? Na minamahal ka? Minsan, naiisip ko rin, ano kaya akong klaseng girlfriend? Supportive ba? Selosa? Maalalahanin? Sweet? Caring? O baka naman wala lang? Parang single pa rin? (LOL)

Pero bago ko pa matapos ang imagination ko, syempre sasawayin ko na kaagad ang sarili ko. Bakit nga ba naisip ko ang mga ‘to? Siguro kasi minsan, kapag akala kong masaya na talaga ako, feeling ko may kulang eh. Hindi naman ako sigurado kung ano yung kulang. Pero madalas, nararamdaman ko, yun yung tao na pwede kong pagshare-an ng saya. Hindi naman big deal sa akin kung 19 years old na ako at single pa rin. Hindi naman issue sa akin kung sa loob ng labingsyam na taon na pananatili ko dito sa mundong ibabaw ay hindi ko pa nararanasang magmahal at mahalin pabalik. Wala namang kaso sakin lahat ng yun. Kaya lang minsan, minsan lang naman, naiisip ko, paano kung hindi ako single/NBSB?

4 years ago August 15, 2016 15 August, 2016